Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4Ps beneficiaries ng Midsayap, tatangap ng cash assistance sa kauna- unahang pagkakataon

(Midsayap, North Cotabato/April 17, 2012) ---Gaganapin ngayong araw ang kauna- unahang cash- out sa mga benepisyaryo ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Midsayap, North Cotabato.


Sa tala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, abot sa 1015 benepisyaryo ng 4Ps ang makakatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno ngayong araw.

Ayon kay DSWD Municipal Link John Karlo Ballentes, ito na ang pinakahihintay na araw ng mga 4Ps beneficiaries dahil mapapasakamay na nila ang inaasahang tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

Sa Midsayap, abot sa 6910 ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng 4Ps. Kabilang sa unang batch ng barangay na makakatanggap ng cash out bukas ay ang  Poblacion 1-8, Sadaan, Villarica, Kiwanan, Upper Bulanan, Central Bulanan Kimagango at Malamote. 

Ang ibang mga barangay ay sa mga susunod na araw ang schedule ng cash out. Sumula April 17 hanggang April 27 ng taong kasalukuyan ang opiyal na mga raw ng cash out para sa iba pang mga barangay sa Midsayap na sakop ng 4Ps.

Ang Midsayap ay isa sa mga bagong areas ng 4Ps sa lalawigan ng North Cotabato.

Dagdag ni Ballentes, layon ng 4Ps na tugunan ang pangangailangan ng isang mahirap na pamiyang Pilipino partikular sa aspeto ng kalusugan, edukasyon at wastong nutrisyon para sa mga batang edad 0- 14 taong gulang.

Matatandaang ibinase  ang pagpili ng mga 4Ps beneficiaries sa resulta ng isinagawang National Household Targeting System on Poverty Reduction. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento